Breaking News

Labanan sa Pulang Lupa

Dito naganap ang madugong labanan ng Hukbong Pilipino sa pamumuno ni Tenyente Koronel Maximo Abad at Hukbong Amerikano sa pamumuno naman ni Kapitan Devereux Shields noong Setyembre 13, 1900. Nagtagumpay ang mga Pilipino sa labanang ito.


Sa bisa ng kautusan ng pangulo bilang 260, Agosto 1, 1973 na sinusugan ng kautusan ng pangulo bilang 1505, Hulnyo 11, 1978, ang pook na ito ay ipinahayag na Pambansang Palatandaang Makasaysayan noong Setyembre 24, 1991.

Ang pook na ito ay matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Torrijos kaya mainam din itong gawing camping site sapagkat dito matutunghayan ang nakamamanghang tanawin ng mga Isla ng Maniwaya, Mongpong (Sta. Cruz) at Salomague (Torrijos), ang fishing villages, ang kabayanan ng Torrijos, at ang Bulkan ng Malindig.

(c) Credit to the owner

No comments